SINIPA BA O' NAG-RESIGN

 

Sinipa ba O Nag-resign, si Atty Vic Rodriguez, Atty.Trixie, Solgen Calida


Ayon kay  Executive Secretary Lucas Bersamin hindi na bahagi ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Atty. Vic Rodriguez.

Sa isang panayam, nabanggit ni ES Bersamin na walang Administrative Order No. 1 na nagtatalaga kay Vic Rodriguez bilang presidential chief of staff.

“Wala. We don’t even talk about it. Not about him. Not about it, ang sinabi ko. I have to be clear about that. You know, we have to respect the privacy of the former executive secretary. He’s entitled to it,” paliwanag ng dating chief justice.

Ayon sa panayam kamakailan lang  kinumpirma na ni Atty Vic Rodriguez na siya ay nagbitiw na sa puwesto bilang Executive Secretary at napag usapan na nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kadahilanan, una sa lahat gusto niya na maging “private citizen” na lang para makasama ang pamilya sa mas produktibong oras.

Nabanggit ni  Atty Vic ang iba pang mga kadahilanan ng kanyang pagbibitiw pagkatapos ng matagal na pananahimik. ayon sa kanya pinagtawanan, hinusgahan at inakusahan daw siya ng walang basehan pero malinis daw ang kanyang konsensiya at pinatutunayan din ng mga taong naglilinkod sa kanya. Dagdag niya patuloy pa rin siyang maglilingkod sa bayan bilang pribadong mamamayan.

Sa kabilang dako kinumpirma rin ang pagbibitiw sa puwesto ni Press Secretary ni Atty. Trixie Cruz- Angeles.

Sa pahayag na inilabas  ni Atty Trixie Angeles sa Malacañang Press Corps, nagsubmit na ng kanyang “resignation lettrer” sa kanyang puwesto bilang Executive Secretary Martes ng umaga, at magiging epektibo sa araw, Oktubre 4 ,2022.

“I tendered my resignation this morning, effective end of business hours today due to health reasons. It was a pleasure working with you,” dagdag mensahe ni Atty Trixie Cruz sa MPC.

Kumpirmado na ang pagbibitiw ni Atty Trixie at may apat ng lumabas na pangalan na napipisil at pinag pipilian na posibleng pumalit sa nabakanteng puwesto at ito ay ang mga sumusunod “Transportation Undersecretary Cesar Chavez, Philippines Games and Amusement Corporation (PAGCOR) board director Gilbert Remulla and lawyer Michael "Mike" Toledo and Direct Paul Soriano.

Matapos ang Oath Taking ng mga bagong Appointee sa Gabinete ay napabalita din ang pagbibitiw sa puwesto ng isa pang appointee na si Commission on Audit (COA) chairman Jose Calida dahil sa “Health reasons”

Kinumpirma ng office of the Executive Secretary ang pagbibitiw ni Calida na tinanggap na ni Pangulong Ferdinand MarcosJr.

“We were instructed by the President to accept his resignation,” ani ES Bersamin.

“He tendered his resignation for many reasons but its up to him later to explain to you or publish what were his reasons to you but we accepted that with regret and we commended him for his patriotism for serving him from short while,” dagdag ni Bersamin.

Post a Comment

0 Comments