PALAY SA NUEVA ECIJA, BAGSAK PRESYO


PALAY SA NUEVA ECIJA, BAGSAK PRESYO

P11.00 hanggang P12.00 na lamang ang kada kilo ng sariwa o basang palay sa Nueva Ecija. Kung maitim naman ay mas mababa pa at nasa P7.00 kada kilo na lamang.



Ayon sa mga mamimili ng palay sa lalawigan, bumaba ang presyo nito bunsod ng naging epekto ng nagdaang bagyong Karding. Marami anila sa mga palay ang lumubog sa baha at pinadapa ng bagyo kaya ang presyo ay depende na sa kalidad nito.
Sa pinakahuling damage report ng Department of Agriculture (DA), nasa P2-bilyong halaga na ang pinsala ng bagyong Karding sa mga palayan sa bansa at pinaka naapektuhan ay ang Central Luzon.
Pag-aaralan naman ng DA kung papaano mapataas muli ang presyo ng palay habang naglaan naman ang ahensya ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo gaya ng pamimigay ng libreng binhi.

Post a Comment

2 Comments

  1. Kawawa naman Ang mga magsasaka natin Sana bigyan Ng puhunna Ang bawat magsasaka para nakabawi sa nalugi sa kanila gaw Ang bagyong karding 🙏🙏🙏🙏

    ReplyDelete
  2. THIS IS WHY THE DA SHOULD FOCUS HOW TO STABILIZE THE PRICES OF THE GRAIN (PALAY) SPECIALLY DURING RAINY SEASON W/C VERY DIFFICULT TO DRY THE GRAIN. THAT’S THE BIG PROBLEM OF THE FARMERS RECULTING DURING WET or IF THERE’S TYPHOON NOTHING TO DRY THEIR GRAINS, UNTIL THIS PROBLEM DIDN’T RESOLVED IT WILL REPEAT YEARLY quand THE PRICES WILL LIKE A YO-YO EFFECT UP AND DOWN.

    FIND A SOLUTIONS HOW TO DRY THE GRAIN DURING RAINY AND TYPHOON SEASON .
    THIS IS MY PERSONAL OPINION.

    ReplyDelete