NASAAN SI EX-SENATOR MANNY PACQUIO

Manny Pacquiao on Korean show ‘Knowing Bros’ Filipino K-Pop fans nagulat.

Nakakagulat na balita kong nasaan si "Manny Pacquiao" Ayon sa pahayagan ang tinaguriang Pambansang Kamao ng Pilipinas.


ay mapapanood sa  isang “Korean show "Knowing Bros" sa susunod nilang palabas.

Ayon sa balita, ito ay isang sorpresa ng Filipino K-Pop community sa social media, ang nakatakdang paglabas ng Boxing Legend at dating senador na si Manny Pacquiao sa sikat na South Korean variety show na  “Knowing Bros.” Mapapanood sa kanilang susunod na episode na magkasama ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ang tinaguriang “Pambansang Krung Krung” ng Pilipinas at ang dating miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park, gayundin si Kim Yohan ng WEi.

Sa unang pasilip ng South Korean TV network na JTBC na episode sa kanilang YouTube channel makikita si Manny Pacquiao na nakasuot ng sikat na "school uniform" ng palabas habang papasok siya sa silid at tinanong ang cast "Sino ang boss dito?". Pagkatapos, ipinakita sa video si Pacquiao at ang iba pang cast sa isang boxing ring.

 


Maliban sa kanyang paglabas sa "Knowing Bros", nakatakda rin na lumabas si Manny Pacquiao sa isa pang sikat na South Korean variety show, ang "Running Man" sa kanilang episode sa Oktubre 23, 2022.

Ang nakatakdang pagpapakita ni Manny Pacquiao sa mga sikat na South Korean variety show na ito ay dahil sa kanyang paparating na exhibition match laban sa mixed martial artist na si DK Yoo sa Disyembre 10, 2022. Ayon sa balita ang laban na ito ni Manny ay naglalayon na makalikom ng pondo para sa Ukraine's “relief and recovery efforts".

Ito ang kadahilanan sa likod ng pagbisita ni Pacquiao sa South Korea, at para sa mga nalilito at mga Filipino K-Pop na gulat at nagtatanong ng biglaang guestings ng dating senador sa mga sikat na variety show sa South Korea

 


Post a Comment

0 Comments