MAHIGIT 1,000 PAMILYA SA CAGAYAN APEKTADO SA BAGYONG MAYMAY; NAIULAT NA PATAY-1, NAWAWALA-1
Batay sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office, mayroong 3,611 na apektadong indibidwal mula sa 1,210 pamilya mula sa 35 barangay sa mga bayan ng Aparri, Allacapan, Buguey, Camalaniugan, at Pamplona.
Mayroon ding mahigit 80 katao ang kasalukuyang inilipat sa mga evacuation center sa buong lalawigan dahil sa pagbaha dulot ng #MaymayPH.
Samantala, 1 mangingisda naman mula sa Barangay San Vicente, sa baybaying bayan ng Sta. Ana ang naiulat na nawawala.
Makikita naman sa ibabang bahagi larawang ito na halos hindi na makita ang daanan papasok ng Buguey Cagayan.
dahil sa pag baha dulot ng naturang bagyo.
Sa kasalukuyan, walang Tropical Cyclone Wind Signals ang nakataas sa lalawigan ng Cagayan, ngunit bumuhos ang malakas na ulan simula Martes ng umaga, Oktubre 11 habang papalapit ang Tropical Depression sa Luzon.
0 Comments