ISANG PULIS SA MANGALDAN, SINAGIP ANG ISANG BINATILYO NA NALULUNOD

 ISANG PULIS SA MANGALDAN, SINAGIP ANG ISANG BINATILYO NA NALULUNOD




Walang pag-aatubiling lumusong sa ilog ng Angalakan si PCpl Andrew V. Velasco ng Mangaldan Police Station upang tumulong sa agarang paghahanap at pagsagip sa isang binatilyong napabalitang nawawala habang naliligo sa ilog na iyon.

Napag alaman na ang binatilyo ay isang 15 taong gulang na Grade 8 student at residente ng Barangay Salay, Mangaldan, Pangasinan.

Di kalaunan ay nahanap ang katawan nito sa ilalim ng tubig at agad na dinala sa pampang kung saan siya ay walang humpay na binigyan ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) ni PCpl Velasco, umasa na maisalba ang buhay nito ngunit sa kasamaang palad ay dineklarang Dead on Arrival sa Mangaldan Infirmary and Urgent Care Unit ang binatilyo.
Ang mga larawan ay naipost kahapon lamang Oct. 15, 2022.

MANGALDAN POLICE STATION HOTLINE #:
0950-770-8580/Smart
0998-598-5124/smart
0998-967-3006/Smart
523-5889/Landline Number
PRO1 Regional Director
PD Pangasinan PPO

Post a Comment

0 Comments