Pangulong "Bong Bong" Marcos binalik ang TESDA sa sangay ng DOLE

 

Pangulong "Bong Bong" Marcos binalik ang TESDA sa sangay ng DOLE

Sa panahon ng panunungkulan  ng dating pangulong Rodrigo Duterte ang TESDA ay nasa ilalim  ng DOLE ngunit ito ay inilipat sa Department of Trade and Industry (DTI)  noong Oktubre 2018 sa kanyang pamamahala. 

Kamakailan  ipinag utos  ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibalik ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang kalakip sa ahensiya ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Ginawa ito ng Pangulong Marcos Jr. matapos malagdaan ang Executive Order No.5 na kung saan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ay inilipat ang TESDA bilang isang ahensiya sa ilalim ng DOLE.

Ayon sa nakasaad  sa Section 2 ng EO ang Kalihim ng DOLE ang magiging chairperson ng TEDSA Board alinsunod sa Section 7 ng Republic Act No.7796 o mas kilalang TESDA Act of 1994.

“It is the policy of the national government to rationalize the functional structures of agencies with complementary mandates and promote coordination, efficiency and organizational coherence in the bureaucracy,” 

Inaasahan na sa pagbabalik ng TESDA sa ilalim ng DOLE ay mapapabuti pa ang kalakaran ng  ahensiya at mas maraming matutulungan na mga kakabayan na gustong matuto ng "skills" or kasanayan na magagamit sa paghahanap buhay sa sariling bayan at maging sa pangingibang bansa at maaring magamit angkaalaman sa pagtatayo ng sariling negosyo.


Post a Comment

0 Comments