INTERNAL ORGANS KAPALIT NG MAMAHALING GADGET? DOH-Paiimbestigahan ang bentahan ng internal organs para makabili ng mamahaling gadget

                        INTERNAL ORGANS KAPALIT NG MAMAHALING GADGET?

Umano’y bentahan ng internal organs para makabili ng mamahaling gadget, paiimbestigahan 

May natatangap na report ang kagawaran ng kalusugan na umano'y bentahan ng Human Organ
Kapalit upang makabili ng mamahaling gadget 



Dahil dito nag babala ang Department Of Health (DOH) sa problema sa kalusugan na maaring kaharapin sa mga pumapasok sa ganitong gawain 
Binigyan diin din ng kagawaran na Ilegal sa Pilipinas ang ganitong pag-bebenta ng laman loob ng tao.
Gaya ng Kidney saad ni OIC-DOH Usec.Maria Rosario Bergeire 

Dahil sa mga natatanggap na report ng kagawaran nais nitong paimbestigahan ang mga kumakalat sa 
Social Media  ang mga kumakalat na mga picture o'larawan na ipinapakita  na umano'y mga nag bebenta ng kanilang lamang loob para makabili ng isang mamahaling brand ng mobile phone.

Ang ilan sa mga larawan ay ipinapakita na kakatapos na ng operasyon at nakabili sila ng mamahaling Mobile Phone dahil dito.

Paalala naman ng kagawaran ng DOH kahit may mga nagsasabing Medical expert na mabubuhay naman kahit iisa lang ang bato malaki paring ang kaibihan kumpara sa kumpleto ang kidney.

Dagdag pa ni Usec.Bergeire kapag natanggal na ang isang bato maari itong mag dulot ng komplikasyon sa katawan at maari pang ikadagdag sa gastos dahil sa maaring gamotan.

Post a Comment

0 Comments