Tropical Storm KARDING

ADVISORY: PDRRMC ISABELA "Tropical Storm KARDING"


BABALA sa lahat ng mamamayan sa lalawigan ng Isabela lalo na sa mga nakatira malapit sa ILOG CAGAYAN ang MAGAT Dam ay MAAARING MAGPAKAWALA ng tubig na aabot sa 200 kubiko kada Segundo (o maaari pang madagdagan depende sa ulan sa Magat Watershed) ngayong araw sa ganap na alas dose ng tanghali (12:00NN) September 24,2022.


Bilang preparasyon sa maaaring maging epekto ni "Bagyong Karding" na makakapagpalakas ng Habagat sa ating lalawigan sa mga susunod na araw at upang maiwasan ang biglaang paglaki o pag taas ng ilog sa ating nasasakupan.
Ang mga mamamayan na nakatira malapit sa "ILOG CAGAYAN" ay pinapayuhang maghanda at iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib. Ang mga gamit at alagang hayop ay dalhin sa ligtas at mataas na lugar.
Manood ng telebisyon, makinig sa radyo at makibalita sa social media sa mga susunod na update ng PAGASA at ng MAGAT DAM Authorities.
Maraming Salamat at Mag Ingat Po Tayong Lahat!

 

Post a Comment

0 Comments